Friday, February 28, 2020

Ang huling pag-ibig ni Gregorio del Pilar

Mayroong dalawang misteryosong burdadong kagamitan ang pinakasikat sa kasaysayan ng Pilipinas.
Noong 21 August 1983, nakilala ang lalaking binaril na kasama ni Ninoy Aquino sa tarmac ng Manila International Airport dahil sa brief na may nakaburdang "Rolly." Makalipas ang ilang araw ipakikilala ang lalaki bilang si Rolando Galman. Magkakaroon pa ng plakard ang mga rallyista noon na may nakakabit na brief at may nakalagay na inskripsyon: "A brief encounter with history."
Noong 2 December 1899, matapos na mapatay sa Labanan sa Pasong Tirad si Gregorio del Pilar—si Goyo, ang batang heneral—natagpuan sa kanyang kasuotan ang isang gintong locket na may ilang buhok at isang sedang panyo na may nakaburdang pangalan: "Dolores Jose."
Gen. Gregorio del Pilar
Sa kabila ng pangalan sa panyo, nananatiling misteryo maging sa mga historyador ang katauhan ng huling pag-ibig ni Gregorio del Pilar. Ang kuwento ng huling pag-ibig ni del Pilar at ang katauhan ng babae ay hindi man lamang mababanggit sa mga istandard na talambuhay ni del Pilar tulad sa isinulat ng historyador na si Teodoro Kalaw na isinalin sa Ingles bilang An acceptable holocaust: Life and death of a boy-general.

source:
Retrieved from 
sources;  https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/content/610067/ang-huling-pag-ibig-ni-gregorio-del-pilar/story/ 

No comments:

Post a Comment